Monday, January 7, 2013

bagong taon na!

ngayon ko lang nasimulan na mag-blog uli.  matagal akong natigilan.  dala na rin kasi sa aking katamaran.  madalas kasi nakakatamad mag-blog.  pero ngayon, susubukan kong magsulat kahit konti lang ang laman.

wala pa rin akong trabaho ngayon.  medyo matagal-tagal na rin.  nakakahiya na nga lalo na kapag may nakasalubong ka na kakilala mo.  hindi ko naman na kagustuhan na mawalan ng trabaho kaya lang, mahirap talagang matanggap.

mukha naman akong mabait.  masipag din naman ako sa trabaho.  sa dati ko ngang trabaho, halos overtime ako araw-araw.  kaya tuloy, ang boss ko tinatanong lagi, kapag chine-check na niya ang overtime slip, kung may ginagawa ba daw ako tuwing overtime.  anong sa tingin niya, tambay lang ako doon.  magtatambay ka sa trabaho!  pwede ba 'yun?

going back sa kasalukuyan.  kanina pumunta ako sa bayan.  magpapakuha ako ng picture para sa resume ko.  syempre, kelangan bagong picture.  di pwede ung luma.  payat pa ako nun.  baka isipin ng employer na niloloko ko sya kasi di ko na kamukha ung picture ko.  tapos, katatapos lang ng christmas.  lalo pa akong tumaba.  ung damit ko nga na pang-apply masikip na sa 'kin.  pero kasya pa naman.

pagkatapos ko magpa-picture, kumain ako sa isang restaurant na ang pangalan ay cafe angelo.  kapangalan nga ung nasa mga malls pero iba siya.  nag-iisa lang daw ito dito sa may j. p. rizal sa kalumpang, marikina, bago dumating sa simbahan.  kinain ko ay putanesca at frappuccino.  ok naman.  masarap din.  kaso hindi al dente ung pasta.  tapos ung ice cream na nasa frapp, malalasahan mong parang natunay na ice cream na pina-freeze ulit.  parang may yelo na.  kaya siguro walang ibang kumakain.  kasi kanina ako lang mag-isa sa restaurant tapos tanghaling tapat.

overall, ok naman.  after that, bumili ako ng buko.  20 pesos lang isang buo.  para may mame-merienda ako.

pagdating ko sa bahay, ini-scan ko ung picture para mailagay ko sa resume.  tapos sinend ko ung resume sa sister-in-law ko kasi sabi niya nung new year na may opening daw sa kanila.  sana matanggap ako.  gusto ko na ring mag-work.